Miyerkules, Hunyo 27, 2012

Ikalimang aralin "Ang Kuwento ni Mabuti" ni Genoveva Edroza Matute





Ang Kuwento ni Mabuti ni : Genoveva Edroza Matute 

Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nila na naroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa luma ta walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa taas ng lumang hagdang umingiit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero, naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaaalamang pang-aklat at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamang natutuhan. 
Lagi ko siyang inuugnay sa karikitan ng buhay. Saan man may kagandahan: sa isang tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakita ko siay at ako'y lumiligaya. Ngunit walang ano mang maganda sa kanyang anyo….. at sa kanyang buhay…. 
Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro roon. Walang sino mang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing ano mang di-pangkaraniwan sa kanya. 
Siya'y tinatawag naming lahat na Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang bukambibig niya. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandali ng pag-aalanganin. Sa isang paraang hindi malirip, iyon ay nagging salamin ng uri ng paniniwala niya sa buhay. 
"Mabuti," ang sasabihin niya, ". . . ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa bahaging ito. . . Mabuti. . . mabuti . . . !" 
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng ano man kundi lamang nahuli niya akong minsang lumuluha: nang hapong iyo'y iniluluha ng bata kong puso ang isang pambata ring suliranin. 
Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mganagsisipanuod sa mga nagsasanayang manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. 
"Mabuti'y may tao pala rito," ang wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig. "Tila may suliranin ka. . . . mabuti sana kung makakatulong ako." 
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kalian man. Sa bata kong isipan ay binilang kong kahihiyan at ang kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit hindi ako nakakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako at napaupong bigla sa katapat na luklukan. 
"Hindi ko alam na may tao rito. . . naparito ako upang umiyak din." 
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kaniyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. 
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig ko sa pagtatapat ng suliraning sa palagay ko noo'y siya na ang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam kong ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat. 
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panulukang maghihiwalay sa ami'y natatanaw na nang bigla akong makaalala. 
"siya nga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho ang iyong pinunta sa sulok na iyon na. . . iniiyakan ko?" 
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon: "ang sulok na iyon na. . . iniiyakan natin. . . . nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: "Sana'y masasabi ko sa iyo, ngunit. . . . ang suliranin ko'y hindi para sa mga batang gaya mo. Mabuti sana'y hind imaging iyo ang ganoong uri ng suliranin. . . . kalian man. Ang ibig kong sabihi'y . . . . maging higit na mabuti sana sa iyo ang . . . . Buhay." 
Si Mabuti'y nagging isang bagong nilikha sa akin mula ng araw na iyon. SA pagsasalita niya muli sa hapag, nagtatanong, sumasagot, sa pagngiti niya ng mababagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang mga pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa sulok na iyong. . . . aming dalawa. 
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bukas ng kapaitan sa kanyang mga sinabi. Ngunit sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno niya ng maririkit na guniguni an gaming isipan at mga kaaya-ayang tunog an gaming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng Buhay. Bawat aralin naming sa Panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan namin sa kagandahan. At ako'y huamnga. 
Wala iyon doon kangina, ang masasabi ko sa sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan na kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. 
Hindi siya bumanggit ng ano man tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, ang tangi niyang anak. . . . nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumanggit sa amin kalian man tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit dalawa sa kamag-aaral naming ang nakababatid na siya'y hindi balo. 
Walang pagaalinlangan ang lahat ng maririkit niyang pangarap ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang mga katabilan niyon, ang palaki nang palaking pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpahayag ang maing guro ng isang pangamba: ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan-ilan sa aming pangkat, ang paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay isa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyo'y nagkaroon ng bagong kahulugan sapagkat noon pa ma'y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala. 
Sa kanyang pagsasalaysay ay nalaman naming ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y animna taong gulang na. Sa susunod na tao'y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggamot ang kanyang anak --- at isang mabuting manggagamot. 
Nasa bahagi iyon ang pagsasalita n gaming guro nang ang isa sa mga batang lalaki sa aking likuran ay bumubulong: "Gaya ng kanyang ama!" 
"Oo, gaya nga ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay sa isang pilit na ngiti sa kanyan labi. 
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase tungkol sa ama ng batang may kaarawan. 
Natiyak ko noonng may isang bagay ngang nalisya sa buhay niya. Nalisya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot sa puso ko ang pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may pagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon: ang mga kamag-aaral kong nakinig nang walang ano mang malasakit sa kanyang sinabing, "Oo, gaya nga ng kanyang ama," habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. 
Pagkatapos may sinabi siyang hindi ko malilimutan kalian man. Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti . . . . mabuti! Gaya ng sasabihin nitong si Fe --- iyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsisimula tayo sa ating aralin. . . . " 
Natiyak ko noon, gaya ng pagkatiyak ko ngayon, na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin nang umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan. . . 
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay sa kanyang mukha, muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan: ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy ano man ang kulay ng Buhay. 
At ngayon, ilang araw lamang ang nakaraan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ngmanggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon na marahil ay magiging isang manggagamot din baling araw, ay namatay may ilang araw lamang ngayon ang nakalilipas. Namatay at naburol ng dalawang araw at dalawang gabi sa isang bahay na hindi siyang tinitirhan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyo'y naunawaan ko ang lahat. . . .




Amado V. Hernandez


Amado Hernández
Si Amado Vera  (Setyembre 131903Marso 241970) ay isang makata at manunulat sawikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas. 


Ikaapat na aralin "Buod ng mga Ibong Mandaragit" ni Amado V. Hernandez


BUOD NG MGA IBONG MANDARAGIT - Amado V. Hernandez

Si Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng Don sa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan. Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.
Nasisid ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya, sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating. Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si Mando Plaridel.
Ipinasiya ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.
Sa Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.
Nasa Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa administrasyon ang Kampilan.
Nalaman ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay Tata Pastor.
Nagdaos ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando, Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P.
Minsan ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri nasiya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na makasal sila ni Puri.
Minsan ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan . Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay. Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon . Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.
Sa tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don Segundo at manaig ang katarungan.



Ikaapat na aralin "Buod ng Luha ng Buwaya " ni Amado V. Hernandez

Luha Ng Buwaya ni Amado V. Hernandez 



Kagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya Leona. 
Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila. 
Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong. 
Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka.
Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka. 
Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan. 
Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande. 
Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.
Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande. 
Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong. 
Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw. 
Isang gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni sedes kay Bandong. 
Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nang maatake. Si don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya. 
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong at tiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ng mga bata. 
Namanhikan si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.


Ikatlong aralin "Moses Moses" ni Rogelio Sikat




 Moses Moses ni Rogelio Sikat






Tapos, biglang

dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang isang Konsehal. Naproon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya'y hustisya ang mananaig.
Tapos, biglang dumating sa bahay nila ang Alkalde kasma ang isang Konsehal. Naproon sila upang humungi ng dispensa sa nagawa ng anak ng Alkalde at ninanais nila na i-urong na lamang ni Regina ang pagsampa sa kaso. Ngunit hindi pumayag si Regina dahil akala niya'y hustisya ang mananaig.
Ng umalis na ang Alkalde at Konsehal, nag-usap si Tony at Regina. Gusto ni Tony na i-urong na ang pagsampa ng kaso dahil sa kalagayan ngayon, ang hustisya ay hindi na nananaig. Ang malakas, makapangyarihan, at mayaman na ang hustisya, sila ang lagging mananaig. Ang nias na laman ni Tony ay mapatay ang anak ng Alkalde. Buhay sa buhay kumbaga. Pinaalala rin ni Tony ang nangyari sa kaniyang ama. Nang namatay kasi ito, hindi nila nakamit ang hustisya. Pero, ipinagpilitan parin ni Regina na itutuloy niya ang pagsampa ng kaso.
Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping nanaman si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya'y kumalma. Kaya't nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.

Matapos ang usapan, sumulpot si Ana at sinabing sinusumping nanaman si aida, kailangna ni Aida ng tranquilizer upang siya'y kumalma. Kaya't nagpabili ng gamut si Regina kay Tony. Nung nakaalis na si Tony, nasi ni Regina kay Ana na malaki na ang pinagbagi ni Tony. Biglang dumating si Ben at tinanong niya kung nakaalis naba si Tony. Tumugon si Regina. At inamin ni Ben sa ina na may dlaang baril si Tony dahil binabalak niyang patayin ang anak ng Alkalde. Binilin ni Tony si Ben na huwag itong ipagsasabi ngunit nagawang sabihin ito ni Ben.
Nagising si Aida at bumaba mula sa kwarto. Dumiretso siya sa cabinet at naghahanap ng gamut ngunit natabig niya ang isang bote ng gamut at ito'y nabasag. Nagising mula sa pagkaka-idlip si Regina. Sinabi ni Aida sa ina na hinahanap niya ang gamut. Tugon naman ni Regina ay binili na ito ni Tony. Nang matanong ni Regina kung anong oras na, nagulat siya dahil hindi niya namalayang pasado alas-dos na ng umaga. Sinabi ni aida na hindi siya makatulog, kaya't tinimplahan siya ni Regina ng gatas.
Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.

Naikwento ni Aida ang tungkol sa panaginip niya na pinapainow daw ng mga lagad ng anak ng Alklde ang kanyang kuya Tony ng lason, kahit anung pilit daw niya na humngi ng tawad ay patulor parin pinapainow ng lason si Tony, ang masaklpa sa panaginip na iyon ay ininom ni Tony ang laosn. Takot na takot na kinwento ni Aida ang kaniyang panaginip.
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya. .
Matapos ikwento ni Aida ang kaniyang panaginip na umabot hanggang umaga, biglang dumating si Tony na duguan. Sinabi niya na tumawag na si Ben ng taksi dahil parating na sila. Pinatay na ni Tony ang anak ng Alkalde, ngayo'y hinahabol na siya ng Alkalde at ng mga pulis. Iyon lamang daw ang paraan upang makuha ang hustisya. Ngunit sinabi ni Regina na mali ang nagawang paghihiganti ni Tony, na si Tony ay isa ng mamamatay-tao. Kinuha ni Regina ang baril at sinbing wag silang umalis dahil susuko si Tony. Nang nakarating na ang Alkalde, tinutukan niya ng baril si Tony ngunit tinabig ito ni Regina. Pinagtulung-tulungan ng mga pulis si Tony. Nang kinukuha na ng mga pulis iyong baril sa kamay ni Regina, sa hindi sinasadyang pangyayari ay nabaril ni Regina so Tony. At dinakip ng mga pulis si Regina dahil sa kasalanan niya. .


Isang gabi, nag-uusap si Regina at Ana.napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari kay Aida. Si Aida ay nagahasa ng anak ng Alkalde. Si Aida ngayo'y hindi parin makapasok sa paaralan dahil siya'y na-trauma at wala siyang maiharap na mukha sa kanayang mga kaklase. Kaya't kumuha ng leave si Regina sa pagtuturo upang mabantayan niya si Aida.


Ikalawang aralin "Ang Pag-Ibig " ni :Emilio Jacinto


ANG PAG - IBIG ni Emilio Jacinto

       Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag - ibig.
Ang katuwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang may kapal at ang kapwa tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag - ibig, siya lamang ang makapagpapabukal sa loob ng tunay at wagas  na pag - ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag - ibig ang siyang tunay na may udyok kundi ang kapalaluan at ang kasakiman
       Kung ang pag - ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal at kara- karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahaon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis..
      Ang tunay na pag - ibig ay walang iba kundi yong makakaakay sa tao sa mga dkilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawaan.
Description: http://3.bp.blogspot.com/-NlA57v8Vi-I/UAUzP6HexlI/AAAAAAAAAHg/H_0sQZV7YQo/s400/DSC00923.JPG      Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag aayo ring pag - ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu - libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng ga - patak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa man din ng kalupitan at ng masakim na pag - iimbot sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag - ibig.
      Ang pag - ibig, wala na kundi ang pag - ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan at nang pag - asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag - ibig ang siyang nagiging dahilan lamangkung kaya natin minamahal pa ang buhay.
      Kung ang magulang ay walang pag - ibig sa anak, sino ang magbabatang mag - iiwi sa mga sanggol?At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila?Kung ang anak naman kaya ay walang pag - ibig sa magulang, sino ang magiging alalay sa katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay na parang matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag- aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan.
     Ang pagkaawa sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo'y mahikaya't na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan; ng ating pagtatanggol sa naaapi hanggang sa isapanganib at damayan natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin ang pinagbubuhatan kundi ang pag - ibig?
      Ang tunay na pag - ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan; kalinpama't sapin - sapin ang dusang pinapasan ng mga bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag - ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama't bulaang karangalan.
       Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at matinding pag - ibig!
       Sa pag - ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid.
       Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag - ibig at binubulag ng hamak ng pagsasarili. Ang masasama'y walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalgayan. Gumagawa ng dan tungo sa pag aalitan, kaguluhan, pagtataniman at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbuklod - buklod ang mga mamamayan upang kung mahina at dukha dahil sa pag - iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.
         Oh! sino ang makapagsasalaysay ng mga himalang gawa ng pag - ibig?
          Ang pagkakaisa na siya niyang kauna - unahang bunga ay siyang lkas at kabuhayan, at kung nagkakaisa na't nag iibigan ang lalong malaking hirap ay magaang pasanin, at ang muling ligaya'y matimyas na malalasap. Kung bakit nangyayari ang ganito, ay di matataos ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag - ibig.
          At upang mapagkilalang magaling na ang pag - ibig ay siyang naging susi at mutya ng kapayapaan at ligaya, ikaw na bumabasa nito, mapagnanakaw mo kya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, sapagkat sila'y iniibig at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampung buhay kung sila'y nakikitang inaapi ng iba.
          Gayundin naman, kung ang lahat ay mag - iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag - aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di - mabatang kapaitan.
           Kung ang pag - ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala. Ipalalagay na may tapat na nais at tatawagin na marurunong ang mabuting magparaan upang magtamasasa dagta ng iba at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.
          Maling mga isip at ligaw na loob ang nanambitan sa mga hirap na tao na inaakalang walang katapusan! Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag - ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa  tunay na paraiso.



Unang aralin "Sa Aking Mga Kababata" ni Jose P.Rizal


Description: http://2.bp.blogspot.com/-MgBMh34I8xA/T-r4qEajRVI/AAAAAAAAACA/kGeuXkfaAno/s320/draft_lens16865281module143635641photo_1293585676Jose_rizal-salawikain_.jp

Sa Aking Mga Kabata - Jose P. Rizal


Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.