Jaguar
Oras ng labasan. Nagbu-bundy
clock ang mga papalabas na mga MANGGAGAWA. Nasa tabi ng desk ng security guard
ang bundy clock. Nakauniporme si POLDO, nakaupo sa gilid ng desk. May kasama
syang GUWARDIYANG BABAE. Iniiksamin nilang dalawa ang mga bag ng mga
trabahador. Ang mga lalaki'y kinapkapan ni Poldo. Dadaan si SONNY, may bitbit
na attache case. Sasalubungin siya ni Poldo. Itataas ni Poldo ang palad sa
harap ng mga nakapilang manggagawa, parang pulis na nagpapatigil ng trapik. Ang
ekspresyon sa mukha ni Poldo ay parang nagsasabing: relaks lang muna kayo
riyan; boss ito at dapat unahin. Uunahan ni Poldo si Sonny. Ipagbubukas ito ng
salaming pinto.
EXT. GASTON PUBLISHING HAPON.
Susunod si POLDO hanggang sa kotse ni SONNY. Bubuksan ni Sonny ang
pinto ng kanyang kotse. Hahawakan ni Poldo ang pinto habang pumapasok si Sonny.
Saka sasarhan ang pinto matapos makaayos ng upo si Sonny.
POLDO: Sir, sa Linggo, ha? Baka nyo makalimutan.
SONNY: Ano'ng sa Linggo?
POLDO: Yung piyesta sa'min.
SONNY: Piyesta..a, oo. Hindi ko makakalimutan 'yan.
Sasaludo uli si Poldo. Tatakbo patungo sa labasan ng driveway.
Pasenyas- senyas at pasilba-silbato, pahihintuin niya ang trapik sa kalsada
para makalabas ang kotse ni Sonny.
EXT. SLUM AREA 1. TANGHALI
Piyesta sa komunidad. May kaunting banderitas na nakasabit. Sa
harapan at lob ng mga bahay- bahay, MARAMING nagkakainan, nag-iinuman, at
nagkakaingayan.
EXT. BAHAY NINA POLDO. TANGHALI
Nakatayo si POLDO sa harap, may inaabangan at mukhang inip na
inip. Bihis na bihis siya. May hawak na bote ng beeer at kakaunti na ang laman.
Sa background, MAY MATANDANG MAG- ASAWA AT DALAWANG APONG nakaupo sa dalawang
mahabanh bangko kumakain. Kinakausap ng TIYUHIN ang matandang lalaki. Ang
tiyahin ni Poldo at si MARISSA ay may dalang nga bandehado ng mga ulam at
nag-aalok ng mga bisita na kumuha pa. Tinutukso-tukso ni totoy ang dalawang
apo- kinakalabit ang batok, pinipitik ang tenga. Nasa isang tabi ang mesitang
ginagamit ng tiyuhin sa trabaho. Malinis ito ngayon, walang nakapatong na mga
kagamitan ng sapaterya. Sa tabi nito, may mahabang dram na natatakpan ng sako.
Uubusin ni Poldo ang laman ng hawak na bote. Lalapitan ang mahabang dram.
Ititindig ang basyo sa tabi ng dram. Hahawiin ang saka. Ang laman ng dram ay
mga bote ng serbesa at malalaking tipak ng yelo. Kukuha si Poldo ng isang
malamig na bote. Bubuksan niya ang bote sa pamamagitan ng ngipin. Iluluwa ang
tansan. Tututungga siya. Habang ginagawa ito ni Poldo. Sa background ay
makikitang lumalabas sa pinto ng bahay ang kapatid niyang si AIDA, kasama ang
isang pulutong ng mga kaklase. Maingay at masaya, nagpapaalam kay Aida ang mga
kaklase. Papasok sa bahay si Poldo, kasunod si Marissa.
INT. BAHAY NI POLDO. TANGHALI
Sa mesa ng komedor-kusina, nakalatag ang maraming pang ibang
bandehado ng pagkain, puro may takip na wax paper. Nasa banggerahan si ALING
ELENA, naghuhugas ng pinggan.
ALING ELENA : Wala pa ba ang nga bisita mo, Poldo?
POLDO : (Ngumu-nguya) Wala pa ho, e.
MARISSA : Hindi kana siguro sisiputin no'n kuya. Class yata yong
boss mo, e. Hindi 'yon ang tipong tumutuntong sa barung-barong.
POLDO : Oy, wag ka ngang sumali sa usapan ng matatanda, ha? MARISSA :
Sayang ang pinambili mo ng beer. Sana kuwatro kantos nalang ang binili mo,
Tayu-tayo lang pala ang iinom.
POLDO : Ako ba'y talagang niloloko mo?
ALING ELENA: Poldo, kumain kana. Pasado ala-una na, baka ka
malipasan. Tapos na kaming lahat.
POLDO : Kumakain na nga ho. Ano pa ba 'tong ginagawa ko?
ALING ELENA : Ba't hindi ka kumuha bg pinggan at umupo nang
maayos? Maiimpatso ka niyan sa ginagawa mo. Tamo, ni hindi ka nagkakakain. Ang
dami naming kanin diyan.
Nagsasalita pa si Aling Elena ay maririnig na ang boses ng TIYUHIN
mula sa labas.
TIYUHIN : (Voice over) Poldo! Mga bisita mo! Eto na! (sa mas
mahinang boses) Tuloy na ho kayo, nasa loob ho si Poldo. Aida samahan mo ang
mga bisita ng kuya mo.
Mabilis na isusubo ni Poldo ang kapirasong ulam na hawak niya.
Ipapahid ang daliri sa gilid ng mantel. Lakad-takbong pupuntahan ang pinto.
Hustong pumapasok naman si Aida, kasunod sina SONNY, DIREK, CRISTY, EDMON, JING
at BOSYO. Si Sonny ay may hawak na bote ng stateside whisky.
POLDO : Tuloy kayo, tuloy. Akala ko hihiyain n'yo ko e. SONNY :
(inaabot ang bote ng whisky kay Poldo) Pwede ba 'yon? Eto nga't may pasalubong
pa ako.
POLDO :' Nay mga….kaibigan ko…Boss ko ho, si…a…si Sonny.
ALING ELENA : Magandang tanghali po.
SONNY: Magandang tanghali po naman.
ALING ELENA :O, Poldo, bigyan mo ng mga pinggan yang mga
bisita mo. Aida, Marissa, tumulong muna kayo rito. 'Yong mga napkin, ilabas
niyo.
Habang kumukuha ng mga pagkain sina Sonny, abalang-abala si Poldo
sa pag-iistima sa kanila. Excited sya, tuwang-tuwa. Si Cristy ay walang
ekspresyon sa mukha, parang napilitan lang sa pagkakapunta rito. Si Sonny naman
ay parang pulitikong nasa kanyang balwarte.
POLDO : Itong morkon, Sonny, Direk - ito ang ispesyalidad ni inay.
Cristy, kuha lang, ha? Jing, Edmon, abot lang. Bosyo.
SONNY : O, Cristy, tikman mo raw 'tong morkon. Ikaw Poldo, huwag
kang mahihiya,ha? Feel at home.
EXT. BAHAY NINA POLDO. HAPON.
Malakas ang tawanan, parang karugtong ng tawanan sa nagdaang
sequence (Eksena). Nagtawanan ang mga LALAKING BISITA ni Poldo. Lasing na ang
lahat. Nakaupo sila sa magkaharap na bangko. Nasa gitna nila ang mesita ng
sapatero. Nasa ibabaw nito ang bote ng beer; isang mangkok na na may lamang
halos tunaw nang yelo; isang bandehadong pulutan. Nakatayo si Poldo sa may
likuran ni Sonny, parang anghel de la guwardiya. Sa background, makikitang
nakabukod si Cristy, kinukwentahan at iniistima ng husto ng Ina at mga kapatid
ni Poldo. Nakikinig lang si Cristy.
DIREK : (Iaabot kay Poldo ang mangkok)Wala na tayong yelo,
Jaguar.
Sa mababang dram, magtitipak ng yelo. Ibinubuhos ni Direk ang
natitirang laman ng whisky sa baso niya. Umiihi si Bosyo sa isang sulok. Kumakanta
si Sonny - wala sya sa tono.
SONNY : " Si Bosyo kung umihi, sumasagitsut pa nang
konti.."
Hagalpakan na naman ng tawa. Bigla, makakarinig sila ng mga
hiyawan at pagkaingay sa di kalayuan. Mapapatingin ang lahat sa
pinagmulan ng ingay. )
POV (point of view) NINA POLDO DALAWANG MATON
nagmumurahan, naggigirian pormang magkakatirahan. Nakapaligid ang iba pang
tambay at maton, nagmimiron, nanunulsullsol. Puro lasing ang mga ito. BALIK
KINA POLDO Nakatingin pa rin ang lahat. Nakatayo na si Sonny.
SONNY : Ano 'yon?
POLDO : Wala 'yan. Talagang ganito dito kung piyesta- hindi
nawawalan ng gulo.
BALIK SA MGA MATON Biglang susugod ang ang isang MATON.
Magkakasutunkan na ang dalawa. Titilapon si TAMBAY 1 sa hanay ng mga KABARKADA
ng kalaban niya. Magsusuguran na rin ang mga barkada ni Tambay 1. BALIK
KINA POLDO. Nakatayo na rin si Direk sa tabi ni Sonny..
SONNY : Labu-labo na brod.
DIREK : Oo nga, brod.
Magkakatinginan ang dalawa. Magtatawanan. Takang mapapatingin si
Poldo sa kanila. Itataas nina Sonny at Direk ang kanilang mga baso,
pagpipingkiin ang mga ito sa isang toast, at uubusin ang laman sa isang tungga.
Pagkatapos, parang iidiyan na hihiyaw ang dalawa-"Yahoo!"- at mabilis
na tatakbo papunta sa gulo. Saglit na mapapanganga si Poldo. Saka magmamadaling
iiling-iling pa na para bang sinasabi sa sariling: eto na naman po kami.
Patuloy lang sa pag-inom sina Edmon at Jing, parang walang napapansing kakaiba.
Takot at nininerbiyos si Cristy.
CRISTY : Sira-ulo talaga ang mga 'yon.
JING :Magpapawis lang ang mga 'yon. Mag-aalis lang ng
lasing.
EDMON :'Yan ang katuwaan ng frat nila - rumble
CRISTY : Walang frat- frat dito. Baka sila malagyan ng gripo sa
tagiliran.
Sa labu-labo, nakaawa pa sina Sonny at Direk habang
nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny.
Seryoso si Poldo. Bahagi ito ng trabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo. Sa
kasusunod ni Poldo, masusuntok sya ng kalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny sa
nangyari. Bibirahin ni Poldo ang nakasuntok sa kanya. Titilapon ito.
Magpa-flying kick si Direk. Makakailag ang tinatarget nya. Sa halip, si Poldo
ang tatamaan. Iilandang ito, babalandra sa isang tabi. Grogi at nakasalampak sa
putikan, may biglang maaalalasi Poldo. Ilalabas nya ang silbato sa bulsa.
Sisibato siya ng malakas at sunud-sunod. May mga sisigaw ng "Parak! Parak!
Magpupulasan ang mga naglalabu-labo. Maiiwan sina Sonny, Direk at Bosyo.
Pagtatawanan nila si Poldo sa kinalalagyan niya. Mapapaangil na rin si
Poldo.
INT. BAHAY NINA POLDO. GABI
Nasa harap ng salamin si Poldo. Naglalagay ng merthiolate sa mga
pasa-pasa sa mukha. Titestingin niya kung matatag pa rin ang panga niya. Sa
bangerahan, naghuhugas, naghuhugas ng pinggan sina AIDA at MARISSA. Nakahiga sa
sahig si Totoy, tulog.
MARISSA:Kuya, tulungan mo naman kami dito.
POLDO: Kayo ang babae, kayo ang maghugas.
AIDA : Bisita mo ang gumamit nito a! Habang nagaganap ang pag-
uusap na ito, papasok si aling Elena. Bubuhatin niya si Totoy at panunuorin si
Poldo.
ALING ELENA : Bakit naman ganun yung mga bisita mo,
Poldo? Naturingan pa namang may pinag-aralan e nakikihalo sa may gulo ng me
gulo? POLDO : Nakainom lang ho 'yon.
ALING ELENA : At bakit pati naman ikaw e nagsasasali?
Mga tagarito pa sa'tin ang inaway mo.
POLDO : Amo ko ho 'yong napalaban, Inay, kelangan e damayan ko.
Trabaho ko ho 'yon.
ALING ELENA : Aba'y trabaho na pala ang basag-ulo? Kung
ganyan rin lang, mabuti pa e maghanap ka na ng ibang trabaho.
Tatalikod sa salamin si Poldo at haharapin ang ina.
POLDO : Inay, hindi ko ho ipagpapalit itong trabaho ko ngayon.
Palagay ko ho, narito ang asenso ko. Ngayon pa lang swerte na ako. ALING
ELENA : Suwerte?
POLDO : (tuloy-tuloy lang, parang walang narinig) Biro nyo may amo
akong ang turing sa akin e kaibigan. May kaya 'yan, may tinapos. Ako hanggang
hayskul lang, mahirap pa sa daga. Pero ang tingin sa'kin, pantay lang.parang
kapatid.
MARISSA : Kapatid ba 'yong lagay na 'yon? Ang tingin ko
inaatsoy-atsoy ka ke,e. Saglit na matititigilan si Poldo. Pagkatapos ay
babaling sa kapatid na nanlilisik ang mga mata.
POLDO : ( NAGPIPIGIL NG GALIT) Ilang beses ko bang sasabihin
sa'yong huwag kang makikihalo sa usapan ng matatanda.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento