Mga Gawain sa Bawat Aralin



Gawain sa Kwento ni Mabuti tungkol sa paborito kong guro


Andyan na siya …


Description: http://1.bp.blogspot.com/-xhIuGNwFhEY/UAf-kN14FtI/AAAAAAAAAKo/6_qbYbBUDrs/s400/frenzz.jpg
            Andyan na siya, Makita mo palang ay kakabahan kana.Kakawala na ang dugo sa iyong pagmumukha.Halos sumabog narin ang yung bantog kapag nanglisik ang kangyang mga mata .Mga titig na nakatutunaw at mga salitang nagbabaga . Isang terror na guro sa mataas na paaralan ng Mambugan .Isang gurong sa larangan ng agham ay hindi matatawaran .Istrikto sa anumang bagay ,ayaw ng maingay,ayaw ng walang footsock at higit sa lahat ayaw ng bobo. Gusto niya lahat ng kanyang estudyante ay nag-aaral at nakikilahok sa talakayan. 

Akala niyo’y masungit ngunit may tinatagong kabutihan. Ang paborito kong guro Ginoong Timbal .Panuruan ng taong 2011-2012 siya ay aking naging tagapayo at naging guro sa agham .Bakasyon palamang ng malaman ko buhat sa aking kuya na ang aking magiging tagapayo sa taong iyon ay ang kinatatakutan kong guro si Ginoong Timbal.Noong ako’y nasa ikaunang taon nahuli niya kami ng aking mga kamag-aral na naglalaro ng baraha, nanlisik ang kanyang mga mata , umuusok ang tenga animo’y dragon at mga salitang nagpatahimik sa aming kasiyahan . 

Unang araw palang na aking ikalawang taon pinaringgan niya kami sa aming mga nagawa. Doon ko na pagtanto na kahit medyo istrikto siya ay napakabait niya pala. Binaybay naming ang taon ng magkakasama. Hindi niya kami iniwan kahit anung angulo. Siya ang nagsilbing ina at ama sa amin. Bawat laban kami ay kanyang sinusuportahan . Sa kabila noon sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Hindi niya napigilan na may ipahiya samin, may masaktan at may masabi na kung anumang bagay na makasasakit ng damdamin ngunit sa kabila noon sa pamamagitan ng kanyang mga aral at mga payong ibinigay sa amin unti unti rin naming naramdaman at naintindihan kung bakit niya kinakailangan yun gawin. 

Kami ay napamahal at na siya ay naging mahalaga sa amin. Sa aming mga paghihirap na naramdaman sa kanya . Ito ay nagbungga at nasaksihan niya ang malaking pagbabago sa amin . Na nakapag pasaya sa kanya. Mga masasayang ala-ala na naranasan, mga mahalagang aral na napulot buhat sa kanya ay naging dadalhin ko sa araw- araw na pamumuhay na magbibigay halaga at importansya , na ako’y isang modelo ng mga naging estudyante ni Ginoong Fernando P. Timbal .     


Slogan na tumatalakay sa akdang Luha ng Buwaya At Ibong Mandaragit

 Akrostik ng salitang Pag-ibig

Ikalawang Markahan











Ikatlong Markahan






Ika-apat na Markahan


Ikaapat na Markahan












Walang komento:

Mag-post ng isang Komento