Mga Repleksyon

Sa Aking mga kababata


Ako ay naging masaya sa araling ito, dahil naipakita ko ang aking talento at kaalaman sa pagtula .Pinamunuan ko ang grupo ng mga kalalakihan at kami ay nagtanghal ng sabayang pagbigkas .Naging masaya ako sakinahinatnan dahil kahit puro kami lalaki naging matagumpay ang aming pagtatanghal kahit hindi kami ang nanguna ay naging masaya na kami. Sapagkat alam namin na ginawa namin ang lubos nang aming makakaya na nagpatunay na isakaming kabataang pinoy .

Ang Pag-ibig

Sa aralingito ay nakitako at napatunayan ang realidad ng buhay .Salitang pag-ibig hindi basta ito naipapaliwanag .Pagibig saanumang bagay nakasasama man o nakabubuti ay ginagawa salarangan ng salitang “PAG-IBIG”.
Luha ng buwaya at IbongMandaragit

Ako ay nagtaka dahil halos magkaparehas lamang ang nilalaman ng akda .Parehas inapi ang mga tauhan saakda ngunit nakamtan parin nila ang katarungan ,dahil sakanilang katapangan naipinaglaban ang kanilang karapatan.

Moses,Moses


Naging makatarungan ang ginawang pagpatay ni Regina sakanyang anak na si Tony dahil samaling hakbang na ginawa nito napaglagay ng batas sakanyang kamay .Naging mabuting guro si Regina sakanyang anak dahil hindi niya ito hinayaang mangibabaw sa pagiisip ang kamalian hindiniya ito sinuportahan bagkus siya namismo ang nagwakas sa maling nagawa ni Tony
Ang Kwento ni Mabuti

Napahanga ako sa kwento ng mga tauhan nang dahil sa isang sulok ng silidaklatan ay napagtanto nila ang pangangailangan ng isatisa.Naipakita ang magandang halimbawa ng relasyon ng isang estudyante sa isang guro .Pagmamalasakit at pagtulong na nangibabaw sa akda na nagpaalala sa isang gurong lubos kong hinahangaan . Sa akdang ito napukaw ang aking damdamin .
Jaguar

Ako ay nalungkot sa ginawa ng mga tauhan sa kwento sapagkat kahit may pinagaralan sila ay binalewala nila ito nakisali sila sagulo ng mga tambay na sumira sa larawan ng pagiging propesyonal nila,

Walang Panginoon

Hindi kapanipaniwala ang naging pagpatay ng kalabaw kay Don Teong ngunit, naging maganda naman ito dahil naipakita ang pagbabago ni Marcos ng mawakasan ang paghihirap mula kay Don Teong .Hindi nasiya nagtatakip ng tengga kapag bumabatingaw ang kampana.Pero hindi parin ako sang ayon na nakamit ni Marcos ang katarungan dahil sabi nga nila ang katumbas ng isa ay isa hindi naging sapat ang pagkamatay ni Don Teong dahil sa dami ng namatay na minamahal ni Marcos At hindi man lang niya naramdaman ang paghihirap at pagsasakripisyo na ginawa ni Marcos na dahil kay Don Teong
Noli me taƱgere

Ako ay nalungkot dahil sa damidaming kabanata ng akdang ito ay iilan lang naman ang mahalaga dahil ang iba ay puro lamang pagpapaligoyligoy na kung susuriin ay hindi naman mahalaga dahil ilalaan mo ang iyong oras sapag babasa nito ngunit wala kanamang ganung matutunan pero kung sa mga tauhan ang pagbabasihan ako ay matutuwa dahil naipakita dito ang pagiging matalino ng mga Pilipino sapagkat napalabas nilang patay nasi Ibarra at naisahan nila ang mga gwardya sibil kahit ang katutuhanan ay buhay pa siya. 


Ikalawang Markahan 

Ang Guryon 

Sa tulang ito ay napukaw ang aking damdamin .Sapagkat naipakita sa bawat taludtod nito ang mga mensahe ng mapag aruga ,mapagmahal at isang responsableng ama sa pakikihamok ng kanyang anak sa realidad ng buhay . Ako ay naging masaya noong nabasa ko ang akdang ito sapagkat ito ay nagsisilbing magandang modelo ng relasyon ng mag ama.
Kahapon,Ngayon at Bukas

Sa akdang ito ako ay nalungkot sa mga pangyayari sapagakat naipakita dito ang ugali ng isang pilipino na hindi dapat tinutularan.Sapagkat na dibdib nila kahit kapwa na pilipino ang niloloko nila at pinagtaksilan nila.Kahit iisang bansa ang pinagmulan nila ako ay nabahal sapagkat maari itong mangyari sa kasalukuyan na hindi magdudulot ng maganda.

Dekada 70

Sa akdang ito ako ay nalungkot sapagkat nawalan ng pakialam ang isang ama ng tahanan sa kangyang anak.Di nya nabatid na napapahamak na ang kangyang anak habang abala siya sa kanyang pagtatrabaho.Ngunit naipakita naman dito ang pag aaruga ng isang ina sakanyang anak.
Sa Tabi ng Dagat

Sa akdang ito ako ay napahanga . Sapagkat sinalamin nito ang buhay ng tao.Ako ay naging masaya sa nilalamang mensahe ng akda dahil dapat naman talaga nating pahalagahan ang pag-ibig na ibinibigay sa atin sapagkat pag-ito ay ating pinabayaan at hindi pinahalagahan ito ay mawawala. Tulad din ito ng tao na napapagod.Sakabilang banda ako ay nadismaya dahil sa romantismong pinakita dito na hindi nagdudulot ng magandang halimbawa sa tulad kong kabataan . Dapat na pag-aaral ang unang pinagtutuunan ng pansin ay tinatakasan namin ang malaking katotohanan . Pakikipag relasyon ang aming inuuna.
Sa Bagong Paraiso

Sa akdang ito ako ay nalungkot sapagkat hindi nagsilbing magandang halimbawa ang mga tauhan dito .Dahil hindi nila sinunod ang payo ng kanilang magulang .Gumawa sila ng sariling mundo hindi man lang nila inisip ang matinding responsabilidad na kaakibat nito .Ako ay nabahala sa kasalukuyan dahil sa lumalalang kaso ng pagdadalang tao sa murang edad na sinalamin ng akdang ito na nagpakita ng bunga ng pagsuway sa payo ng magulang.Saan Patungo ang Langay-langayan ??? 

Sa akdang ito ako ay napahanga dahil sa malaking katotohan na dala ng mensahe nito. Nabigyan linaw din ng akadang ito ang tunay na kahulugan ng kalayaan at kung paano mo ito makakamtan. Sarili lamang ang magpapalaya sa kaalipinang tinatamasa mo dahil ito sa paghahangad na ginugusto mo na nagdudulot ng pagapapahirap sa sarili mo.Ang pagmamahal sa sarili ang magdadala sayo sa tunay na kalayaan na hinahangad mo. Tanggapin ang kamalian at iwasto sa panibagong kinabukasan.

Sa Lupa ng Sariling Bayan 

     
Sa akdang ito ako ay nalungkot dahil sa kabila ng tinatamasang tagumpay ng tauhan dito hindi parin natin maikakaila ang hinanakit ni Layo sa kanyang bayan dahil sa matinding pighati animoy bangungot na tinamasa niya rito .Ako ay nalinawan sa nilalamang mensahe ng akdang ito dahil hindi mo talaga makakamit ang tunay na tagumpay kapag may hinanakit kapang dinadala at pinapasan.

Ikatlong  Markahan 

Mga hudyat ng mga bagong kabihasnan


Sa akdang ito ako ay nalungkot sapagkat sapagkatuklas ng mga makabagong bagay ay nagdulot ito ng kaguluhan dahil nawala ang pagkakaisa at nangibabaw ang kasakiman. Nagkaroon ng kompentsyon at nagbunga ng kaguluhan , kaya aking napagtanto na wag maging sakim at isipin din ang kapakanan ng iba para sa ikabubuti ng lahat.

Kalupi


Sa akdang ito ako ay nalungkot ,sapagkat ang isang batang mahaba pa sana ang lalakbayin sa mundong ito ay maagang naghawakas ang pakikihamok sa mundong ibabaw dahil lamang sa maling pamimintang. Kaya aking napagisip-isip na ang panghuhusga sa panglabas na kaanyuan ay hindi nakakabuti sapagkat maari itong kumikil ng buhay.

Banaag at Sikat

Sa akdang ito ako ay nasiyahan sapagkat kahit magkaiba ng adhikain ang mga pangunahing tauhan ay naagkaisa parin sila para sa kabutihan .Akin naman napagisip-isip na wag alipustahin ang kapwa tao upang ikaw ay igalang at hindi kamuhian.Sapagkat ito ay dadalhin mo hanggang libingan.

Sa Pula, Sa Puti

Sa akdang ito ako ay natuwa sapagkat naipakita rito na may aral sa bawat kamalian na dapat nating itama .Aking napagtanto na ang sugal ay kailan man ay hindi makabubuti ito ay maari pang magdulot ng paghihiwalay o pagkasira ng isang magandang pamilya at naniniwala rin ako na ang sugal ay maganda lamang sa una.

Mabangis na Lungsod

Sa akdang ito ako ay nalungkot sapagkat hindi makatarungan ang mga nangyari kay Adong na hindi dapat nararanasan ng tulad nang edad niya.
Aking napagtanto na wag kong sayangin ang pagkakataon na may gumagabay sakin dahil hindi lahat ay nabigyan ng pagakakataon upang gabayan tulad ni Adong .

Tata Selo

Sa akdang ito ako ay nalungkot sapagkat hindi naging makatarungan ang paghuhusga na nangyari.
Aking napagtanto na huwag ilagay sa kamay ang pagababatas sapagkat hindi ito makabubuti dahil ito ay maaari mong ikapahamak at maaari din itong makasama saiyo.

Sinag sa karimlan

Sa akdang ito ako ay nasiyahan sapagkat kahit sa tindi ng pagsubok nanaranasan ay hindi sila sumuko upang muling maipaglapit muli ang kanilang mundo.Aking napagisip-isip na kahit gaano man katindi ang ginawang kasalanan ay matuto tayong magpatawad sapagkat ang Diyos nga  ay marunong magpatawad tayo pa kaya na kanya lamang likha.


Banyaga

Sa akdang ito ako ay nasiyahan sapagkat kahit gaano na kataas ang kanyang naabot ay hindi parin niya kinalumutan ang kanyang pinagmulan .Aking napagtanto ay huwag kakalimutan ang pinagmulan dahil hindi mo makakamtan kung anung meron ka ngayon kung hindi karin doon nagdaan.

Kinagisnang balon

Sa akdang ito ako ay nalungkot sapagkat kinailangan panilang humantong sa sakitan upang maintindihan ang panig ng isat-isa .Aking napagisip-isip na huwag ikahiya ang trabaho ng iyong magulang dahil ginagawa nila ang lahat para hindi natin ito maranasan.Ngunit kung kapalaran na ang magpasya ay wala na tayong magagawa kung hindi tanggapin  na lamang at pagbutihin pa.


1 komento: