Talaarawan

Ika-17 ng Disyembre

             Ang ganda ng gising ko kailangan manatiling gwapo unang araw kaya ito ng Cultural Show isa ako sa performer dun .Kaso meron talaga akong dapat problemahin yung miniature ko .Bat kasi ganun nakisabay pa pero okie lang yan Go lang ng Go !!! Hirap na hirap kaya akong patayuin yung mga poste .Inaasahan ko kasing tutulungan ako ni papa kaso namalengke sya ee .Tanghali nagtungo na ako sa mataas na paaralan ng Mambugan medyo may kaba sa dibdib ko aa . Ansaya!!! kanya kanya kaming kuskos ng yelo sa mukha para kumapit daw yung make-up.Oily face pa naman ako namamanhid na yung mukha ko kakakuskos .Nakaraos din matagumpay ang unang araw ng Cultural Show .Ansaya di ba???Nagmadali akong umuwi may caroling pa pala ako sa youth org. namin para may pondo kami sa x-mas party namin .Kahit pagod na Go lang ng Go!!

Ika-18 ng Disyembre
           
             Ang ganda ng sikat ng araw a! .Pangalawang araw na ng Cultural Show .Pinoproblema ko parin yung miniature ko . Gagawan pa pala yun ng bakud .Excuse pa naman kami hindi ko alam kung panu gumawa nun.Nakisabay pa yung S.I.P sa Dec.20 ng yung pasahan .Dami problema buhay nga naman. Meron pa pala yung tungkol sa Christmas Party sa Youth Org. namin . Mahirap talaga maging Bise-presidente. Sino kayang mabait na magpapahiram ng sound system samin..Tanghali na buti dumating yung mga kagrupo ko ..Natapos na namin yung S.I.P at buti nalang naging handa kami last month pa kasi namin sinimulan .Salamat pala sa kuya ko tinulungan kami..On rush na papuntang paaralan .Ngiti lang ng ngiti!! kahit madaaming problema .Pangalawang araw na kaya ng Cultural Show .Buti nalang naging matagumpay ulit ito tulad ng kahapon.Alas dos na ng umaga kelangan parin magpakasipag tatapusin ko na yung miniature ko ang hirap patayuin ng bakud buti nalang tinulungan ako ni mama at papa si kuya ang sarap na ng tulog.Time check 2;30 na ng umaga tapos narin sa miniature .Makatulog na nga!!!.  .

Ika-19 ng Disyembre

            Kahit puyat ang aga ko gumising kasi kelangan kong ipasa yung miniature ko at may program pa pala dun pinili nila yung magagandang gawa ,Di ko na inaasahang mapipili yung sakin dun kasi alam ko naman na hindi yun kagandahan ee.Natutuwa nga ako kay Mam. Mixto napasin niya yung miniature ko tabingi yung pagkakatayo na rush kasi ako ee .Nagmadali akong umuwi kelangan kung mag handa para sa aking muling pagbabalik sa paaralan last day ng Cultural Show.Ang saya kahit pinagtitripan ako ni Sir.Nash .Ang ganda ng trip namin .Tamang kantahan kami .Naisip ko sana hindi na matapos yung mga oras na ganun.Kaso hindi pwede ee kelangan talagang matapos .Tapos na yung performance namiin todo bigay ako kanina aa.Nanunuod kasi si mama at kuya pati yung mga classmates ko at mga friends ko sa ibang section.Promise hiyang hiya ako always remember performers nga diba sabi nila Sir.Nash. Anu ba ang purpose ng pagsayaw ko mapasaya sila diba .Sulit yung 25 pesos nila .Sapagsali ko dun sa dance troupe na yun ang dami kong natutunan nagpapasalamat ako sakanila.Ang saya pagtapos ng performance gumala kami sa Marikina ng mga classmates ko ..Bumili ako ng pangregalo at susuutin ko para sa x-mas party namin sa school. Makatulog na nga para paggising ko bukas gwapo ako .

Ika-20 ng Disyembre
           
           Yun ohh!! ang gwapo ko sa umaga .Ang aga kung naghanda para sa x-mas party. Grabe aa namroblema kami  ang layo ng pinuntahan namin para sa sound system. Kahit medyo palpak yung x-mas party namin naging masaya naman kami ee. Pagkatapos ng x-mas party pumunta kami ng mga classmates ko sa Sta.Lucia  Hating gabi na hindi pa rin ako natutulog gumawa kasi kami ng design para sa x-mas party namin pati nag budget pa kami .Mamalengke pa pala kami dun na nga ako nakatulog sa kapit bahay naminAko na talaga ang busy at ang maraming party .Masaya kaya maging busy ..

Ika-21  ng Disyembre

           Tanghali na nagising kasi galing pa ng palengke ee. Kahit medyo inaantok pa tamang ayos na sa venue ng party namin . Ang dami kung utos pansin ko Bise nga diba .Hindi kasi sila gumagawa pag walang naguutos  ee .Nagka problema pa kami sa sound system .Buti nalang may mabait na nagpahiram. Party party na!!! ang saya talaga  .sabi nila dooms day na ee .Pero hindi ako nainiwala dun .Yun oh !! inabot ng madaling araw sa party .Sinulit talaga yung pinaghirapan .Kami na ang masaya.

Ika-22 ng Disyembre

             Tanghali na naman nagising puyat nga kasi ee.Tinatamad pa kong bumangon pero kelangan .Maglilinis pa kami  ng pinagpartyhan namin .Gabi na ang lakas ng trip namin nangaroling kami .Biruin umabot ng 450 pesos yung pera nami kahit ang panget ng kanta namin.Ang saya talaga pag Disyembre  ang daming party .Ito makikipag party na naman sa x-mas party ng mga magulang namin .Puyat na naman ako madaling araw nanaman ako nakauwi.

Ika-23 ng Disyembre

              Gising mayaman na naman ako . Puyat kasi ee .Ako na ang mahilig sa party.Kahit puyat kinailangan kung samahan si mama mamalengke ng handa namin sa pasko ,Nagpagupit pa ako .Ako na ang gwapo.syempre para magmuka naman tao sa pagharap ko sa  mga pinsan ko.Kinagabihan balik tambay na naman .wala kasing magawa sa bahay kahit ang lamig todo tambay parin ako .Pero hanggang 9 pm lang umuwi narin ako kaagad .Ang aga ko matutulog noh! Nangmakabawibawi naman.Gud night!

Ika-24 ng Disyembre
           
                Maaga nagising maaga rin kasing natulog ee..Pagkatapos ng tanghalian kinailangan maghanda nagtungo kasi kami ni papa sa Sta,Ana .Dun kami nagpapasko .Nakagawian ee. Kaso nakakayamot ang trapik nung papunta na kami dun Ang saya saya nakita ko nanaman ulit yung mga pinsan ko.Hindi ko makaklimutan yung gabing ito.Nalasing ako grabe!!! >Ang tindi kasi nung Alfonso yung dalang alak ng pinsan ko. PAti yung masasarap na handa nila.Sana bukas maypamasko ako..

Ika-25 ng Disyembre
     
                Ang sakit ng ulo ko.,Hangover sa ininum namin kagabi. Kailangan pa namin bumiyahe .Uuwi na kami magagalit na samin si mama..Nasa bahay narin kami gusto ko sanang mamasko pero .Niyaya ako ng pinsan ko mag videoke .Pagkatapos namin magvideoke .Nakatulog ako. Gabi na ako nagising .Tapos niyaya pa ako ng mga tropa kong tumambay .Alas 12 na ako nakauwi .Ang lamig sa tambayan pasko nga talaga ngayon .Makatulog na nga.

Ika-26 ng Disyembre

                Nagising ako ng maaga .Naalala ko may lakad pa pala ako .Nanuod kami ng sine . Pinanuod namin yung Shake.Rattle ang Roll. Ang kulit parang komedya. .Nagulat nga ako nung pangatlong parte na .  Sa Sta.Lucia sila nagshooting .Pagkatapos noon pumunta kami ng Marikina .Sumakay kami ng Boomerang .Grabe!! makahulog dibdib.Halos humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko.Pero oki lang yun masaya naman ee. Sulit yung araw ko ngayon . Gud night!

Ika-27 ng Disyembre

               Ang ganda ng umaga ko a. Kaso wala akong ginawa ngayong araw kung hindi matulog at  kumain .Maghapon tulog .Pagkagising kain ,sabay text .Pagkatapos kompyuter naman .Kinagabihan tumambay walang magawa e .Boring talaga pag walang pasok gusto ko ng pumasok .Matutulog na nga ako.

Ika-28 ng Disyembre

             Gising mayaman nanaman .Wala naman kasing magawa ee.Epekto ito pagwalang pasok. Kawawa naman ako walang nagawa,maghapon.Kaen tulog.,tambay lang .Gusto ko na talaga pumasok.Namimiss ko yung mga classmate kong maiingay.

Ika-29 ng Disyembre
         
            Maganda ang sikat  ng araw .Maganda rin ang balita sakin. Bibilihan ako nila mama ng bagong cellphone. Aambagan nila ako sa naipon ko. Kahit walang gawain maghapon masaya naman ang araw .Gusto ko na agad magbukas .Para magkaroon na ng bagong cellphone .

Ika-30 ng Disyembre
 
           Yun !! Napakasayang araw para sakin sapagkat binilhan nila ako ngayon ng bagong cellphone.Pagkatapos ay namili kami ng aming mga handa .Para sa darating na bagong taon . Napakasaya ko sapagkat  nakita ko ang mga pinsan ko sa loob ng maraming taon .Napakasaya ko ngayong araw sana hindi na matapos ito.

Ika-31 ng Disyembre

          Napaka abala ko ngayong araw sapagkat .Sabay sabay naming sasalubungin ang taon ng masaya.Kahit siksikan kami sa bahay ay ayos lang sakin .Dahil sa ligayang hihndi matutumbasan ng anumang bagay ,Yan ay dahil sa kulitan naming mag pipinsan ..Sa loob ng mahabang taon ngayon ko lamang ito maransan ang makasama ang lahat ng pinsan ko sa side ng mama ko.Natatatawa nga ako kanya kanya na kaming amoy dahil sa dami ng niluto naming pagkain.Masaya naming sinalubong ang taon. Maging mapalad sana tayo lahat sa taong ito.

Ika-1 ng Enero
 
          Alas singko  na  ng umaga ay gising pa ako,sapagkat sinalubong nga namin ang taon ng sama sama kasama ang mga pinsan ko buhat sa aming probinsya. Grabe tanghali na wala pa akong tulog .Dumating kasi yung mga pinsan ko mula naman sa Sta.Ana ,Manila .Napakasaya ng araw na ito. Nagmistulan itong reunion ng aming pamilya.Kami ay nagkantahan hanggang gabi kahit wala pa akong tulog ay ayos lang nakasama ko naman ang mga kamag anak ko .Alas onse na kami ng gabi natulog .Magandang gabi sa lahat!!

Ika-2 ng Enero

           Nakabawi narin sa tulog Ang ganda ng umaga ko sapagkat nandyan parin ang  mga pinsan ko na mula sa probinsya.Pinagpatuloy namin ang sinimulan namin kahapon.Kami ay nagkantahan maghapon. Kinagabihan ay nagtungo kami sa Marikin upag ipasyal ang mga pinsan ko.at ako ay nagulat pag uwi dahil bukas na pala ang balik namin sa eskwelahan hindi pa talaga ako handa pero wala akong magagawa.
Kaya matutulog na ako para bukas .

Ika-3 ng Enero
 
          Ang aga ko nagising sapagkat may pasok na pala kami. Kahit ang sakit ng ulo ko ay bumangon parin ako.Nakakapagtaka sapagkat ang unti lamang ng mga pumasok sa eskwelahan. Kahit maraming wala sa pangkat namin ay masaya parin naman kanyan kanya kami ng kwentuhan at mga  payabangan. Damang damang ko parin ang ilang araw na bakasyon.Pag uwi ko ay masaya parin sapagkat nakipagkwentuhan naman ako sa mga pinsan ko. Sakabilang banda ay may kalungkutan dahil bikas na sila babalik sa probinsya ,wala na ang magugulo sa bahay namin, walang namaiingay at wala na akong kukulitin.Malungkot nanaman iilan nanaman kami sa bahay.

Ika-4 ng Enero

          Ang aga ko parin nagising sapagkat may pasok nga . Ayaw ko sana pumasok ngayon sasama sana ako  sa paghatid sa mga kamag-anak ko. Kaso may kaylangan akong ipasa yung  "FAITH GOALS" ko sa English . Nalungkot talaga ako kasi mamimiss ko sila . Andrama ,ilang taon nanaman ang guguguli para magkasamasama ulit kami. Pag pasok ko sa eskwelahan nakakatawa yung iba dun palang naghahapit ng ipapasa sa English . Nakakalunkot din ang unti na lang ng pumasok ,lano na sa ibang pangkat.Kinagaihan balik nanaman sa kinagawian wala ng kasiksikan sa higaan .

Ika-5 ng Enero

         Gising mayaman nanaman ,wala kasing pasok ngayon e. Nakakabored nga e . Maghapon lang nasa bahay nuod ng tv ,tulog, kain,kompyuter tapos tulog ulit bumawi lang sa  mga nagdaan na araw.,puro puyatan kasi . Tapos nagabantay rin ng tindahan saglit .Pakabait lang din naman kahit papanu. Ang aga ko matutulog ngayon wala naman kasing gagawin e. Makikinig muna ako kay Dj Chacha.

Ika-6 ng Enero

          Ang aga nagising , ginising kasi ako ni kuya nagsimba kasi kami ngayon nakagawian kasi namin yun tuwing lingo. Pagkauwi ,pagkatapos kumain ng tanghalian , umalis ulit kami kasama  namin si mam pumunta kami ng Sta.Lucia para samahan si kuya bumili ng damit niyang susuotin sa reporting niya. Kumain kami dun ng Shawarma rici antakaw ko nakadalawa ako. Medyo madilim narin kami nakauwi nakakyamot kasi si kuya ang tagal pumili tapos wala rin naman siyang napili sa  Cubao nalang daw siya bibili. Makatulog na nga may pasok pa bukas.

Ika-7 ng Enero
     
           Ang aga nanaman gumising may pasok kasi bawal malate lunes ngayon .Ramdam ko na muli ang eskwelahan ang ingay nanaman halos lahat  ng silid ay kumpleto na ,nakauwi na galing probinsya yujng iba.Nakakgulat yung anunsyo na sa huwebes na at biyernes ang ikatlomg markahang pagsusulit parang hindi pa ko handa sobra kasing andming ginawa nung nakaraang taon.Sabay sabay nanaman yung mga proyekto .Wala pa kaming MTV sa values . Pag kauwi kumain ako at manga ilang minuto ay natulog.Kinagabihan inayos ko yung mga gamit ko para pag gumawa ako ng mga tinipong pagsusulit. Matutulog na nga ako may pasok pa bukas.

Ika-8 ng Enero

           Ang aga ko gumising kaya hindi ako nahuli sa pagpasok. Ako ay nanlumo dahil sa dami ng proyekto ngunit aking inisip na kaya ko ito.Pagkauwi  ay agad agad akong kumain at pagkatapos  ay sinimmulan na ang paggawa ng ilan sa mga proyekto tulad ng sa asignaturang matematika . Kinagabihan ay maaga akong natulog para hindi tanghaliin  sa paggising.

Ika-9 ng Enero
 
          Ang aga kong nagising kaya hindi nahuli sa klase. Nagulat ako ng mapagtanto ko na bukas na ang ikatlong markahan ngunit aking naalala ang pinag usapan namin ng aking papa na magtutungo kami sa fiesta ng Itim na Nazareno. Pag kauwi galing sa eskwelahan ay agad agad kaming nagtungo sa Quiapo.  Sumama kami sa porsisyon napakatindi talaga ng pananampalataya sa Itim na Nazareno. Inabot kami ng 10 ng gabi ngunit hindi na namin natapos ang porsisyon kami ay agad umuwi sapagkat may pasok pa ko bukas at mayroon pa akong pagsusulit. Hindi ko alam kung may  maisasagot ko dahil wala ng review review , Tiwala  na lang .

Ika-10 ng Enero

           Medyo tinanghali ng gising ang sakit kasi ng katawan ko. Kinabahan ako ang aga aga sapagkat ikatlong markahan na . Pagkarating sa eskwelahan tamang tama lamang ang aking pagdating .Magsisimula palamang ang pagsusulit. Pagkatapos ng pagsusulit ay agad na akong umuwi .Hindi naman ako ganung nangamote sa pagsusulit sapagkat nakikinig naman ako kaya stockknowledge ang ginamit. Kinagabihan ay tinapos ko na ang lahat ng aking mga tinipong gawain.

Ika-11 ng Enero

           Ang aga kong nagising upang magreview kahit papano. Ikalawang araw na kasi ng ikatlong markahang pagsusulit .Maaga akong nagtungo sa eskwelahan. Naging matagumpay din naman ang ikalawang araw ng pagsusulit sapagkat nasagutan ko naman ng maayos ang bawat katanungan .Kinagabihan ako ay nagdownload ng mga laro sa aking cellphone at nasabi ko sa sarili na bagong markahan na naman ang aking kakaharapin.

Ika-12 ng Enero

          Gising mayaman nanaman ako. Wala kasing pasok ngayon e. Sabado nga kasi .Boring nanaman ng araw ko walang ibang ginawa kung hindi mannuod ng tv,magkompyuter.magcellphone,kumain at matulog pati kasama pala ang mangulit kanila mama .Kinagabihan ay tumambay saglit namiss ko yun a. After many weeks ngayon nalang ulit tumambay. Maspinahalagahan ko kasi ang pag aaral e.

Ika-13 ng Enero

         Maagang naggising kasi  maaga rin kaming nagsimba ni kuya ,linggo kasi ngayon .Nakagawian lang. Maghapong hinarap ang kompyuter nagupdate kasi ng blog . Proyekto ko sa asignaturang Filipino.Syempre hindi mawawala ang pagbubukas ng facebook. Makapag post nga muna. Maaga ring  matutulog ngayon may pasok pa bukas e.

Ika-14 ng Enero

        Lunes na naman !!ang aga ko gumising sapagkat pumasok ako kaya di ako na huli sa klase .Lunes kasi ee!! Pagka-uwi galing eskwelahan agad-aagad natulog .Pagkagising ay gumawa naman ng mga takdang aralin . Kinagabihan ay maagang natulog may pasok pa bukas e.

Ika-15 ng Enero

        Di ko man ginusto nahuli ako sa klase ,nakakahiya naman . Lahat sila naka titig sakin .Tama na ngayon madami pa pala akong takdang aralin. Bui nalang madali kong natapos . Kaya maaga ring nakatulog.

Ika-16 ng Enero

        Ang aga ko nagising , syempre ang aga ko natulog kagabi e. Ang saya ng araw ko ngayon a.  Ano kayang meron ???,buti nalang unti lang ang takdang aralin ,kata nakapaglaron pako ng dota namiiss ko to . Inabot ako ng ilang oras kakalaro . Tama na!! ang sakit na ng mata ko matutulg nako.

Ika-17 ng Enero

          Ang sakit ng mata ko paggising ko , kakalaro at ng dota .Ayun kadalsan naman huli nanaman ako sa klase . Nakakhiya na naman !!, Tapos may mang-aasar pa sayo. Ang sarap sapakin ! Syempre Joke!  lang yun. Yun biruin mo namimiss ako ng mga tropa ko . Ang tagal ko na daw na hindi tumatambay , tambay naman daw ako bukas Byernes naman daw e. Walang pasok kinabukasan e.

Ika-18 ng Enero

           Kakaibang araw naman para sakin , sapagkat naka P.E uniform ako. Tapos may P,E pa kami . Ansaya  diba?? Tapos sumabay pa namaraming takdang aralin . Sakit as ulo yan tuloy hindi nanaman ako nakapagtambay . Bukas na nga lang promise.

Ika-19 ng Enero

           Yun gising mayaman nanaman ako , walang pasok e, Yun! pumunta kami ni kuya sa SM Masinag , nagpalamig lang pati naki Wi-fi lakas trip lang tapos bumili ng paint brush para sa Drafting subject ko . Ang saya ng araw lp ngayon . Maka tulog na  nga magsisimba pa kami bukas .

Ika-20 ng Enero

           Ang aga gumising  , Linggo ngayon e .Araw para magpasalamat sa Panginoon at humingi ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan . Hindi halata na nagsisimba ako noh ? Pero nagsisimba talaga ako nagpipiling kasi ako nakasali sa CHOIR  . Nakikisabay lang , magaling kaya ako kumanta .
Tinapos ang araw kakapainting .


Ika-21 ng Enero


         Ang aga gumising , kaya hindi ako nahuli sa klase . Pero nagulat ako. na malapit napala ang pasahan ng proyekto namin sa asignaturang filipino. Isang short film . Ako pa naman yung main na tauhan dun . Nakaramdam ng kunting kaba. Pero oki lang yan , alam ko  naman kahit papano marunong akong umarte . Kigabihan nag praktis ng pag-arte parang tangga lang , paiiyak iyak pako . Kasama sa trabaho ko yun ee. Makatulog  na nga.

*********************************************************************************************

Paumanhin Ginang ,sapagkat ang talaarawan ko ay hindi umabot sa takdang araw at buwan na iyong itinakda .  Salamat po!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento