BUOD NG MGA IBONG
MANDARAGIT - Amado V. Hernandez
Si
Andoy ay alila sa bahay ni Don Segundo Montero. Ipinapiit si Andoy ng
Don sa Hapones sa suplong na isa siyang gerilya. Nakatakas si Andoy at
sumama siya sa mga gerilya. Natulog siya sa bahay ni Tata Matias sa kabundukan.
Si Tata matias ang nagturo kay Andoy sa panig ng dagat pasipiko na pinagtapunan
ni pari Florentino sa kayamanan ni Simoun.
Nasisid
ni Andoy ang kayamanan ni Simoun sa tulong ng dalawa pang mga gerilya,
sina Karyo at Martin. Si Karyo ay namatay nang makagat ng pating.
Tinangka ni Martin na patayin si Andoy upang masolo ang kayamanan ngunit
siya ang napatay ni Andoy. Nataga ni Martin sa pisngi si Andoy at ang pilat na
ito ang nagtago sa tunay niyang pagkatao. Siya ay nagpabalatkayong si
Mando Plaridel.
Ipinasiya
ni Mando na magtatag ng isang pahayagan, ang kampilan. Ang kaibigan niyang si
Magat ang siyang namahala sa pahayagan. Bumili ng bahay sa Maynila si Mando at
dito na nanirahang kasama si Tata Matias upang lubos na mapangalagaan ang
Kampilan. Dahilan sa kulang siya sa karunungan, naisipan ni Mandong
maglibot sa daigdig at magpakadalubhasa sa karunungan. Bago umalis, kinausap ni
Mando si Tata Pastor na amain niya at ang pinsan niyang si Puri. Walang kamalay-malay
ang dalawa na siya ay si Andoy. Sinabi ni Mando na siya ay tutungo sa ibang
bansa ngunit lagi siyang susulat sa mga ito.
Sa
Paris nakatagpo ni Mando si Dolly Montero, anak nina Donya Julia at Don Segundo
na mga Dati niyang amo noong panahon ng Hapon. Nagkalapit
sila ni Dolly nang ipagtanggol niya ito sa isang dayuhang nagtangkang
halayin ang dalaga. Napaibig ni Mando si Dolly at nagpatuloy siya sa
Amerika. Pagkagaling sa Amerika, umuwi si Mando sa Maynila.
Nasa
Pilipinas na rin si Dolly at minsan ay inanyayahan nito si Mando na dumalo
sa isa nilang handaan. Ipinakikilala ni Dolly sa mga panauhin si Mando na isa
sa mga iyon ay ang Presidente. Nagkaroon ng masasakit na komentaryo
ukol Sa kampilan at sinabi ni Mando na ang pahagayan niya ay nagsabi
lamang ng pawang katotohanan. Pinaratangan ng mga naroon na laban sa
administrasyon ang Kampilan.
Nalaman
ni Mando na hindi na Si Tata Pastor ang katiwala ni Don Segundo. Ang mga
magsasaka ay lalong naghirap. Isang Kapitan Pugot ang ipinalit ng Don kay
Tata Pastor.
Nagdaos
ng isang pulong ang mga magsasaka sa asyenda. Naging tagapagsalita pa si Mando,
Si Tata Pastor at si Senador Maliwanag. Tapos na ang pulong at nasa Maynila na
si Mando nang masunog ang asyenda. Pinagbibintangan ang mga magsasaka at kabilang
si Tata Pastor at nahuli at binintangan lider ng mga magsasaka. Lumuwas si Puri
at ipinaalam kay Mando ang nangyari. Ginawa naman ni Mando ang kanyang
makakaya at nakalaya ang mga nabilanggo. Samantala si Puri ay hindi na
pinabalik ni Mando sa lalawigan. Itinira niya sa isang dormitoryo ang dalaga at
pinagpag-aral ito ng political Science sa U.P.
Minsan
ay dinalaw ni Mando si Puri sa tinitirahan. Noon tinanggap ni Puri
ang pag-ibig sa Mando. Sa wakas ipinagtapat ni Mando kina Tata Pastor at Puri
na siya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor at Puri
nasiya si Andoy na malayong kamag-anak. Hiniling niya kay Tata Pastor na
makasal sila ni Puri.
Minsan
ay dumalo si Mando sa isang komperensiya para sa mga patnugot ng mga pahayagan
. Nalaman ni Dolly na naroon siya kaya inanyayahan sa kanilang bahay.
Nakilala ni Don Segundo si Mando at nagkapalitan sila ng masasakit na
salita. Dito ipinagtapat ni Mando sa siya ay si Andoy na dating alila roon .
Noong una ay ayaw maniwala ni Dolly ngunit nang ulitin iyon ni
Mando ay buong hinagpis na tumangis si Dolly.
Sa
tulong ng pahayagang Kampilan at ng himpilan ng radyong ipinatayo ni
Mando, patuloy na tinuligsa ni Mando ang mga masasamang pinuno ng
pamahalaan. Nalaman ni Mando na si don Segundo pala ay puno ng mga
smugglers. Hindi nagtigil si Mando hanggang sa maipabilanggo niya si Don
Segundo at manaig ang katarungan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento